TAGUMPAY NG ATLETANG AGONCILLIAN, TAGUMPAY NG BAYAN | Kinilala rin ang mga natatanging atleta na lalahok sa Little League Philippine Series 2026

 


Sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong umaga ng Lokal na Pamahalaan, kinilala rin ang mga natatanging atleta na lalahok sa Little  League Philippine Series 2026 na magaganap sa April 17-25, 2026 na gaganapin sa Ilocos.

Pinangunahan ito ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza.

Buo ang suporta ng ating Lokal na Pamahalaan sa ating mga Atleta sapagkat sila ay nagdadala ng karangalan sa ating bayan. Dala nila ang pangalan ng Agoncillo sa ganitong larangan. Pasasalamat din ang nais nating ipaabot sa kanilang mga magulang at mga tagapagsanay at kay Bb. Krystal Enriquez. 

Patuloy nating suportahan ang ating mga atleta at ipagdasal ang kanilang kaligtasan. Kasama niyo ang bayan ng Agoncillo sa laban na ito! 

Mabuhay ang bawat Atletang Agoncillian!

Mabuhay ang Bayan ng Magandang Agoncillo! 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments