Agoncillo Bayanihan GK Village Turnover & Blessing Ceremony

 


April 12, 2026

Ikalawang batch ng Agoncillo Bayanihan GK Village beneficiaries pinangalanan.

Ngayong araw, tinukoy ng pamunuan ng Gawad Kalinga ang panibagong walong (😎 benepisyaryo ng mga units na nasa Barangay Pamiga. Ang pinagbatayan ay ang dami ng oras na iginugol nila upang tumulong sa pagbuo ng mga bahay o ang tinatawag na sweat equity.

Dumalo ang GK Team sa panunguna ni Sir Dan Bercasio, LGU Agoncillo sa pangunguna nina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Vice Mayor Remjelljan Humarang.

Pinangunahan ng Himig Agoncillo ang panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang at Himno ng Agoncillo.

Ang sponsors ng 8 units ay sina: 
Congressman Atty. King Collantes - 2
Mr. Antonio Rosales - 1
First Philippine Industrial Park - 3
GK Australia - 1
Philracom/Metro MNL Turp Club - 1

Kasabay din nito ang GK Be A Hero activity, kung saan iikutin ng grupo ang lahat ng GK Villages sa buong Pilipinas.

#MasMagandangAgoncillo
#GawadKalinga


Post a Comment

0 Comments