Sa pamamagitan ng programang hatid katuwang ang DSWD, muling naipadama ang tunay na diwa ng serbisyo publiko, ang hindi pagsuko, ang patuloy na paghahanap ng paraan, at ang pagbibigay pag-asa sa bawat mamamayan.
Sa gitna ng mga hamon at krisis na kinakaharap ng ating komunidad sa pagtaas ng presyo ng Gasolina, nananatiling matatag at may malasakit ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa patuloy na pag-abot ng tulong para sa ating mga kababayang higit na nangangailangan.
Pinangunahan ito ng MSWDO sa pamumuno ni Ma'am Josalyn Cortez kasama ang mga kawani ng tanggapan at mga masisipag na kawani ng DSWD.
Ang simpleng tulong na ito ay sumasalamin sa mas malalim na layunin at ito ay ang maiangat ang kabuhayan at mapagaan ang pasanin ng ating mga tricycle drivers na araw-araw na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Sa bawat ikot ng gulong, sa bawat pasada sa lansangan, ay naroroon ang kwento ng tiyaga, sakripisyo, at pag-asa. Bawat pasada ng tricycle ay hindi lamang paghahanapbuhay, ito ay buhay na sumusuporta sa mga pangarap ng bawat pamilyang Agoncillian.
Kasabay nito ay ang pagpapa abot natin ng pasasalamat sa Department of Social Welfare and Development sa inisyatibong ito. Malaking tulong ito para sa ating mga kababayan .
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko.
0 Comments