Inaanyayahan ang lahat na makilahok at samantalahin ang serbisyong ito ngayong araw at sa mga itinakdang iskedyul. Hinihikayat din ng tanggapan ng LCRO sa pamumuno ni Ma'am Karen Olvina ang bawat isa na magdala ng kinakailangang dokumento at sumunod sa mga alituntunin upang masiguro ang maayos na daloy ng aktibidad.
PAALALA: HANGGANG 3:00 PM PO ANG CUT OFF NG REQUEST PERO HANGGANG 5:00 PM PO ANG PAGLALABAS NG DOKUMENTO❗️
Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ay patuloy na nagsisikap na makapaghatid ng dekalidad na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Tara ho, huwag sayangin ang pagkakataon!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments