Isang taos-pusong pagbati sa Barangay Subic Ilaya, sa kanilang kahanga-hangang pagkakamit bilang 1st Runner-Up sa 2026 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards!
Ang parangal na ito ay sumasalamin sa inyong dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagkakaisa sa inyong komunidad. Ang inyong sipag at malasakit sa paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa ating bayan kundi maging sa iba pang mga Barangay sa ating bansa.
Ipinagmamalaki kayo ng buong Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Adminsitrador, Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads at lahat ng kawani.
Nawa’y magsilbi itong hamon upang lalo pang pag-ibayuhin ang inyong adhikain para sa isang mapayapa at maunlad na Agoncillo.
Muli, pagbati at mabuhay ang Barangay Subic Ilaya!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko.
0 Comments