Abril 25, 2026 - Dumalo si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, bilang Council President (CP) ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Batangas Council sa regional meeting na ginanap sa Puerto Galera.
Iniulat niya ang mga accomplishments ng Batangas Council. Maraming naranasan ang Southern Luzon Region (SLR) simula sa pandemic, volcanic eruption, bagyo at global energy crisis. Sa kabila nito ay pinilit ng GSP na maka-adjust at mag-adapt. 

Sa pagwawakas ay ibinahagi niya ang isang quote mula kay Lord Baden Powell, “IT IS EASY FOR A SCOUT TO SURVIVE IN GOOD WEATHER, BUT IT IS BAD WEATHER THAT REVEALS A GOOD SCOUT.”

Inireport din ng SLR ang mga naka-achieve ng mga council goals at madami dito ang hindi lang na-meet kundi nalampasan pa ng Batangas Council.

Ang nag-host nito ay ang Oriental Mindoro Council na pinangungunahan ng kanilang CP Hiyas Govinda Dolor. 

Dinaluhan ito ng mga council executives at CP ng 22 councils ng SLR. Personal ding nakiisa at nag-host ng Governor’s Night si Gov. Humerlito “Bonz” Dolor.