“Edukasyon ang yaman na hindi kailanman mananakaw. “ yan ang tinuran ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginawang distribusyon ng 200k na pondo sa lahat ng 1,078 barangays ng Lalawigan ng Batangas.
Ang nasabing pondo ay hahatiin para sa priority project ng Kapitan at sa limang (5) scholars ng pangulo sa barangay. Layunin nito na matulungan ang mahihirap na graduating na mag-aaral na maitawid ang pagtatapos sa gitna ng krisis.
Nagtagubilin din siya sa mga opisyal ng Barangay na pagbutihin ang paglilingkod sa mga kababayan. Nangako din siya na kapag maganda ang kakahinatnan ng proyektong ito ay uulitin at dadagdagan ang pondo nito sa sunod na taon.
Ginanap ang nasabing distribution sa Batangas Province Events Center sa Sports complex, Bolbok, Batangas city.
Dumalo ang mga punong barangay ng Agoncillo sa pangunguna ni Liga ng Barangay president Teodulo “Junior” Humarang. Sinamahan din sila ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
0 Comments