Isinagawa ang initial interview at orientation para sa mga kabataang nagnanais na maging bahagi ng Special Program for Employment of Students (SPES), sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kabataan habang patuloy nilang tinutupad ang kanilang pag-aaral. Isa rin itong hakbang upang malinang ang kanilang kakayahan, disiplina, at karanasan sa mundo ng trabaho.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan sa pagbibigay ng mga oportunidad na magbubukas ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating kabataan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments