PAGBATI SA ATING KABAYAN, RENDEM ANTONIO B. RODRIGUEZ 🇵🇭✨
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay kay Rendem Antonio Rodriguez ng Brgy. Poblacion sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang Champion sa Table Tennis Single A (National Qualifier) sa ginanap na 2026 PRISAA CALABARZON Regional Meet sa San Pablo, Laguna.
Ang iyong dedikasyon, sipag, at hindi matatawarang husay sa larangan ng isports ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa inyong barangay kundi sa buong bayan ng Agoncillo.
Sa bawat hampas ng iyong raketa ay naipamalas mo ang disiplina, determinasyon, at pusong palaban na tunay na maipagmamalaki ng ating komunidad.
Nawa’y magsilbing daan ang tagumpay na ito tungo sa mas mataas pang antas ng iyong karera, at patuloy mong dalhin ang dangal ng ating bayan sa mas malawak na entablado. Ikaw ay patunay na ang kabataang Agoncillian ay may kakayahang makipagsabayan at magtagumpay sa anumang larangan na kanilang tatahakin.
Muli, buong galang at paghanga naming ipinapaabot ang aming pagbati.
Ipinagmamalaki ka ng Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments