77TH FOUNDING ANNIVERSARY NG MAGANDANG AGONCILLO, SINIMULAN NA
Opisyal nang sinimulan ang pagdiriwang ng ika-77th Founding Anniversary ng ating minamahal na Bayan ng Agoncillo na puno ng saya, pagkakaisa, at pagmamalaki sa ating mayamang kasaysayan at kultura. Iba’t ibang aktibidad ang inihanda upang bigyang halaga ang ating mga tradisyon at maipakita ang galing at talento ng bawat Agoncillians.
Bilang bahagi ng pagbubukas ng selebrasyon, nagkaroon ng masiglang walk parade na nilahukan ng iba’t ibang sektor ng komunidad, tampok ang makukulay na kasuotan at masayang pakikiisa ng bawat isa.
Isinabay rin dito ang opisyal na pagbubukas ng SK and Mayor’s Basketball League 2026 na inaasahang magbibigay saya at palakasan ng samahan sa ating mga kabataan at mamamayan.
Sa kabila ng kasiyahan, patuloy na inobserbahan ng Lokal na Pamahalaan ang katipiran upang matiyak na ang bawat programa ay makabuluhan, maayos, at may malasakit sa pondo ng bayan. Layunin nitong maisulong ang isang responsableng selebrasyon na kapaki-pakinabang sa buong komunidad.
Patuloy nating ipagdiwang ang pagkakaisa at tagumpay ng Magandang Agoncillo habang sama-sama nating hinaharap ang mas maliwanag na kinabukasan!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments