Isang magandang balita at pagkakataon ang hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo para sa ating mga kababayan na naghahanap ng trabaho at nais magkaroon ng mas maayos na kabuhayan.
Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at sa pakikipagtulungan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni Ma’am Mercy Punzalan, isasagawa ang Job Fair 2026 na naglalayong mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayan na makahanap ng trabaho mula sa iba’t ibang kumpanya at employer.
Petsa: March 20, 2026 Oras: 8:00 ng umaga
Lugar: Plaza Elena Covered Court
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating pamahalaang bayan na makapaghatid ng mga programang magpapalakas sa kabuhayan ng bawat pamilyang Agoncillian. Layunin ng Job Fair na maging tulay upang mapalapit ang mga naghahanap ng trabaho sa mga kumpanyang nangangailangan ng manggagawa, at upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na magkaroon ng matatag at maayos na hanapbuhay.
Ito ay isang hakbang ng ating lokal na pamahalaan upang patuloy na maitaguyod ang pag-unlad ng ating bayan at mapalakas ang kakayahan ng bawat Agoncillian na makamit ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang pagkakataon! Tara na, Apply na!
Sama-sama nating buksan ang pintuan ng bagong oportunidad para sa mas maunlad na kinabukasan ng bawat pamilyang Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments