Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 (s. 2026) ng Office of the President at Executive Order No. 14 (s. 2026) ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo na nagtatakda ng mga hakbang para sa pagtitipid sa paggamit ng gasolina at enerhiya, ipinaaalam sa lahat na kanselado na ang nakatakdang concert na bahagi ng mga inihandang aktibidad.
Isinagawa ang desisyong ito bilang pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan sa mga panawagan para sa mas maingat at responsableng paggamit ng enerhiya sa kasalukuyang panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments