PARA SA BAYAN | ATTY. CINDERELLA VALENTON-REYES, DUMALO SA LMP 2026 GENERAL ASSEMBLY

 



Dumalo ang ating minamahal na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) 2026 General Assembly na ginanap noong Marso 9–10, 2026 sa Manila Marriott Hotel. Ang pagtitipong ito ay may temang “Empowered Municipalities, Stronger Nation: Local Government Code Reform for a Future-Ready Philippines.”

Layunin ng nasabing pagtitipon na pag-usapan ang mga mahahalagang reporma sa Local Government Code, palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan, at ihanda ang mga bayan sa mga hamon ng makabagong panahon. Naging pagkakataon din ito upang magbahagi ng mga karanasan, ideya, at pinakamahusay na mga programa ang mga lider mula sa iba’t ibang munisipalidad sa buong bansa.

Ang pakikilahok ng ating Punong Bayan sa ganitong mga pagpupulong ay patunay ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga programang magpapaunlad sa lokal na pamahalaan at magbibigay ng mas maayos na serbisyo para sa mamamayan ng Agoncillo.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga pambansang talakayan, patuloy na pinatitibay ng ating pamahalaang bayan ang mga hakbang tungo sa mas maayos, mas handa, at mas progresibong kinabukasan para sa ating bayan.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments