Magandang Araw mga kababayan!
Narito po ang mechanics na masusunod sa pagpili ng Mutya ng Kalakalan Choice Award 2026✨
Ang pagboto ay bukas sa lahat ng lehitimong residente at mga tagasuporta ng Mutya ng Agoncillo 2026.
Ang bawat botante ay may karapatang bumoto ng isa (1) sa bawat opisyal na voting stub na ibinigay ng mga establisyemento.
Malinaw na isulat ang Barangay ng kandidata sa likod ng opisyal na voting stub.
Ang mga nasulatang voting stub ay ihulog sa itinakdang Opisyal na Kahon ng Botohan.
Tanging mga wastong naipamahaging opisyal na voting stub, na walang bura at may nakasaad lamang na isang (1) kandidata, ang tatanggapin.
Ang kandidatang makakakuha ng pinakamataas na bilang ng Valid na boto sa 9 na establisyemento ay ideklarang tatanggap ng Mutya ng Kalakalan Choice Award 2026 at awtomatikong mapapasama sa Top 10 finalists.
Ang mananalo ay pormal na iaanunsyo sa gabi ng Coronation Night.
Katumbas ng Boto:�Bawat Tatlong Daang Piso (₱300.00) na halaga ng binili ay katumbas ng isang (1) boto.
Narito ang mga Establisyemento na maaaring bilihan upang makaboto sa ating Mutya Ng Agoncillo-Mutya ng Kalakalan Choice Award
1. Emryst Cafe
2. Hera Cafe
3. Coffee Stories
4. Mr. R Coffee
5. AA’s Samgyupsal
6. Chicken Wings sa Sweet Mango
7. Zianeth’s Samgyup sa Bahay at ibp.
8. Tamina’s Kitchen
9. Ms. Chickeys
Suportahan ang ating kandidata!
Suportahan ang mga Establisyemento ng ating Bayan ❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
#MutyaNgAgoncillo2026
0 Comments