Installation and Oath Taking of Club and CALABARZON Newly Elected and Appointed Officers for EY 2026







Marso 1, 2026 - Isang karangalan para sa bayan ng Agoncillo na dito idaos ang Installation and Oath Taking of Club and CALABARZON Newly Elected and Appointed Officers for EY 2026 ng The Fraternal Order of Eagles (Philippine EAGLES) ngayong araw, sa Gregorio Brotonel Events Center.
Ang kanilang Governor ay lahing Agoncillo din, si Eagles Bienvenido Martinez.
Si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang kanilang panauhing pandangal. Sa kaniyang talumpati ay nagpasalamat ang ating alkalde sa suporta ng Eagles sa mga programa at adbokasiya ng LGU. 
Kahapon lamang ay nagtanim muli ang Philippine Eagles sa Agoncillo Ecopark ng 200 iba’t ibang puno. Tiningnan din nila kung ilan ang nabuhay sa mga punong itinanim noong isang taon at karamihan dito ay lumalaki na. 
Matatandaang ang nasabing ecopark ay itinalaga bilang “Tree Growing Area” ng ating bayan, na magsisilbing sentro ng land ecosystem.
Mabuhay ang Philippine Eagles!

Post a Comment

0 Comments