BAWAT BATA, DAPAT ALAM: DENTAL HEALTH EDUCATION PINANGUNAHAN NI DR. EDGARDO BELTRAN 🇵🇭✨





Sa pagdiriwang ng Oral Health Month, nagsagawa ng dental health education at oral hygiene demonstration sa mga Child Development Center sa ating bayan katuwang ang Rotary Mid West Batangas at gamit ang kanilang donasyon na Dental Clinic. 
Ito ay pinangunahan ng ating DOH Dentist, Dr. Edgardo Beltran. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga bata tungkol sa wastong pagsisipilyo, tamang pangangalaga ng ngipin, at kahalagahan ng regular na dental check-up.
Nagkaroon ng interactive discussion, toothbrushing demonstration, at pamamahagi ng dental kits upang mahikayat ang mga bata na magsimula ng mabuting oral hygiene habits sa murang edad. Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon upang mapanatili ang malusog na ngiti ng bawat bata sa komunidad.
Bata man o matanda, dapat alam natin kung paano pangalagaan ang ating mga ngipin. Bawat Agoncillian, Dapat may magandang ngiti ❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments