MGA MAG-AARAL NA AGONCILLIAN, NAGTAGISAN NG HUSAY SA PAGSAYAW NG MGA KATUTUBONG SAYAW

 



INDAK, PAGKAKAISA AT TAGUMPAY: MGA MAG-AARAL NA AGONCILLIAN, NAGTAGISAN NG HUSAY SA PAGSAYAW NG MGA KATUTUBONG SAYAW 🇵🇭✨

Buong pagmamalaking ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang pagbati sa lahat ng mga paaralang lumahok at nagtagisan ng galing sa larangan ng katutubong sayaw, kung saan ipinamalas ang husay sa Pandanggo sa Ilaw para sa elementarya at Tinikling para sa sekondarya!

Ang tagumpay ng kompetisyong ito ay hindi magiging posible kung wala ang patuloy na suporta at pangunguna ng ating butihing Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at Ma'am Charlyn Ann C. Dela Luna, Tourism Officer kasama ang mga kawani at kasapi ng DepEd Agoncillo Sub-Office sa pangunguna ni Dr. Maria Melissa Ariola.

📌 ELEMENTARYA
🥇 1st Place – Pook Elementary School 
🥈 2nd Place – Banyaga Elementary School
🥉 3rd Place – Agoncillo Central School

📌 SEKONDARYA
🥇 1st Place – Coral na Munti National High School 
🥈 2nd Place – Agoncillo Senior High School
🥉 3rd Place – Agoncillo National High School

Ang matagumpay na pagtatanghal ng bawat kalahok ay patunay ng kanilang dedikasyon, disiplina, at kahusayan sa sining ng sayaw.

Kayo ay tunay na inspirasyon sa kapwa kabataang Agoncillian na patuloy na ipamalas ang kanilang galing at talento.

Lubos din ang pasasalamat sa mga guro, tagapagsanay, at mga magulang na walang sawang sumuporta sa ating mga mag-aaral.

Patuloy nating ipagmalaki ang galing ng Agoncillo! 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments