Marso 27, 2026 - Isang mahalagang pagpupulong ang ginanap sa Holiday Inn, Lipa City, sa pangunguna ni Executive Secretary Ralph Recto.
Dinaluhan ito ng mga mayors mula sa syudad at mga munisipalidad, kabilang ang ating mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Ibinahagi ni ES ang mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga programa ng national government na may kinalaman sa lokal.
Siniguro niya na may matatanggap ang ating mga nasa transportation sector bilang intervention ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Madami pang ginagawa ang national government upang i-address ang global crisis na ramdam na ng ating mga mamamayan.
Nakisuyo din siya ng patuloy na pagtitipid, lalo na sa kuryente, sapagkat naapektuhan ang dollar remittances natin dahil sa mga Overseas workers natin na narepatriate at kinailangan magsiuwi. Ang pambayad natin sa mga inaangkat na fuel ay dollars.
Patuloy ang pag-alalay ng national at provincial government sa mga local government units kabilang na ang mga barangay.
Tunay nga’ng matatag na Batangas!
0 Comments