B. KRYSTAL A. ENRIQUEZ, PINARANGALAN BILANG ISA SA MGA UNSUNG WOMEN HEROES 2026

 



NATATANGING BABAENG AGONCILLIAN: BB. KRYSTAL A. ENRIQUEZ, PINARANGALAN BILANG ISA SA MGA UNSUNG WOMEN HEROES 2026 🇵🇭✨

Isang karangalan para sa bayan ng Agoncillo ang pagkilala kay Bb. Krystal A. Enriquez bilang isa sa mga Unsung Women Heroes 2026 ng Soroptimist International of the Americas Philippines Region (A Foundation), Inc., na ginanap sa Hiyas Convention Center, Malolos, Bulacan noong ika-25 ng Marso, 2026.

Ang parangal na ito ay iginawad bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang ambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng kababaihan at kabataan, sa kabila ng mga hamon at kakulangan sa komunidad, gayundin sa kanyang pakikilahok sa mga proyektong nagbibigay-lakas at pag-asa sa iba.

Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno, dedikasyon, at malasakit, patuloy siyang nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kababaihan upang tahakin ang landas ng paglilingkod at pagbabago.
Ipinagmamalaki ng Agoncillo ang iyong natatanging tagumpay at ambag sa lipunan. Tunay kang huwaran ng isang Natatanging Babaeng Agoncillian.

Mabuhay ka, Bb. Krystal A. Enriquez!

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments