Fire Prevention Month






Marso 1, 2026 - sinalubong ng komunidad ang Fire Prevention Month na may temang: Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”.

Hinikayat ni BFP Agoncillo Fire Marshall David Landicho ang lahat upang mag-ingat sa paggamit ng kalan, mga appliances na pag nagsabay-sabay ay maaaring magdulot ng sunog dahil sa overloading.

Ibinahagi naman ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang kanyang personal na experiences sa sunog, na talagang napakahirap ang masunugan. Ipinaalala din niya ang pag-iwas sa pagsusunog ng mga basura, mga winalis na dahon at pagtatapon ng upos ng sigarilyo. Ang apoy, wika niya, kapag nag-umpisa lalo sa open space ay mahirap na basta apulain.

Dumalo sa programa sina Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, Konsehal Atty. Sarah Mendoza, Konsehal Jessie James Balba, ABC Teodulo Humarang (Balangon), MLGOO Alberto Sandoval, mga punong barangay, mga kagawad, barangay functionaries, Philippine Coast Guard, police multipliers, Deped Agoncillo Sub-Office, RHU Agoncillo at iba pang stakeholders.

Kabilang sa mga punong barangay na personal na nakiisa ay sina Rolly De Villa (Sta. Cruz), Melanie Villavicencio (San Jacinto), Mario Almanzor (Subic Ilaya), Ben Palicpic (Banyaga), Paul Tolentino (Pansipit), Magno Humarang (Barigon), Ente Manalo (Coral na Munti), Nestor Macatangay (San Teodoro) at Glen Manalo (Mabini). 

Matapos ang programa ay nagkaroon ng motorcade simula Barangay Sta Cruz hanggang Barangay Banyaga.

Marami pang ibang activities para sa buwan na ito.


Post a Comment

0 Comments