Ginanap ngayong araw ang mahalagang pagpupulong ng Local Health Board, Municipal Nutrition Council at Mental Health Board sa Conference room ng V. Maligalig Legislative Building.
Dumalo rin si Konsehal Eduard Clark Caringal, Konsehal Jappoy Hilario, at iba pang mga regular members ng nasabing councils.
Muling nagpaalala si Mayor Cinderella Valenton-Reyes sa dumadaming kaso ng HIV.
Iminungkahi rin na magkaroon ng isang mental health seminar sa ating mga kabataan, dahil na rin sa ilang malalang kaso ng bullying sa ibang bayan.
Tuwing unang Biyernes ng buwan, may regular session ang ating Psychologist at ito ay open para sa ating mga kababayan.
Tinalakay din ang paglalagay ng Municipal Pharmacy para sa Yakap program ng ating pamahalaan.
0 Comments