Marso 6, 2026 - Nagsilbing Guest of Honor ang ating mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Alitagtag, Batangas, bilang Presidente ng lahat ng kababaihan sa lalawigan.
Ibinahagi niya sa kanyang talumpati kung gaano kaswerte ang Lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng Ina sa katauhan ni Gov. Vilma Santos-Recto. Ganundin sa pagkakaroon ng Alitagtag ng punong bayan na babae. Aniya, ang mga babae ay likas na masipag, matiyaga, matiisin at mapagkalinga.
May pagkakataon na sa kagustuhan natin na iangat ang kababaihan ay nakakalimutan pansamantala na ang tunay na isinusulong ay GENDER EQUALITY, kaya lahat dapat babae man o lalaki ay magbenepisyo sa mga programa ng kababaihan.
Dumalo rin bilang panauhin ang dating District Representative Maitet Collantes.
Salamat sa pagkilala at pagpapahalaga, Mayor Jo-Ann Ponggos. Happy women’s month!
0 Comments