Naglabas ng Executive Order No. 14, Series of 2026 ang ating lokal na pamahalaan bilang pagtugon sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, ganundin bilang pagtalima sa Executive Order No. 7, Series of 2026 ng ating Gov. Vilma Santos-Recto.
Sa nasabing EO ng LGU Agoncillo, na nilagdaan ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, pansamantalang hindi muna papayagan ang mga motorcade, parada, at iba pang mga aktibidad kaugnay nito upang siguruhin ang pagtitipid ng krudo at gasolina. Mayroon din namang mga exemptions pero para lamang sa mahahalagang gawain.
Ito ay susog lamang sa mga kasalukuyan nang ipinatutupad katulad ng carpooling, aircon temp na 24 deg, aircon use simula 9am hanggang 4pm, at iba pa.
May abiso sa publiko na maaaring malaki ang itaas ng presyo ng langis sa merkado, dahil sa crisis sa Middle East.
0 Comments