Sa temang “Husay ng Agoncillian, Pagkakaisa, Katatagan at Kasaysayan,” ating ipinagdiriwang ang makulay na kultura, mayamang tradisyon, at hindi matatawarang galing ng bawat Agoncillian.
Sa loob ng pitumpu’t pitong taon, patuloy nating pinagyayaman ang ating pagkakakilanlan, mula sa sining at talento, sa kasipagan ng ating mga mamamayan, hanggang sa matatag na pagkakaisa ng buong komunidad.
Abangan natin ang mga makabago, makasaysayan at natatanging mga malabas na magpapakita ng kulay ng ating tradisyon at yaman ng ating kultura!
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang lalo pa nating mahalin at paglingkuran ang ating bayan. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kasaysayan at sabay-sabay nating harapin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa Agoncillo!
Mabuhay ang Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments