Ngayong araw, Marso 26, 2026, kasabay ng unang araw ng 77th Founding Anniversary celebration, ay pinasinayaan ang Agriculture and Fishery Processing Center dito sa ating bayan. Matatagpuan ito sa likod ng municipal nursery, sa Barangay Pamiga.
Sa pagbabahagi ng panauhing pandangal na si Gng. Gina Bucaya, mula sa Department of Agriculture (DA), ang katulad na mga programa ay sinusuportahan ng kagawaran. Ipinaliwanag din niya ang mga hakbang na kakailanganin upang lalong mapahaba ang shelf life at maipasok sa mga retail stores ang mga produkto.
Hinikayat din niya na mag-focus muna sa pagtutuyo ng malunggay leaves sapagkat ito ang siguradong may pagsusulungan. Tiniyak din niya ang pag-asiste ng DA.
Binati rin niya ang kakaibang suportang ipinamalas ng lokal na pamahalaan sapagkat dumalo sina mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Remjelljan Humarang, at Konsehal Vio Cacao.
Ang naturang processing center ay isang partnership sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at ng mga smahan ng pagsasaka.
0 Comments