ABISO PUBLIKO PARA SA MGA MAMAMAYAN NG AGONCILLO

 



Ipinapaabot sa lahat ng mamamayan ang patuloy na paalala na maging mapagmatyag at mag-ingat kaugnay ng naiulat na pagkalat ng mga pekeng pera sa ilang bahagi ng Batangas. 

Batay sa mga ulat, may ilang establisyemento sa ating bayan ang nakaranas na makatanggap ng pekeng isang libong piso.

Kaugnay nito, mahigpit na hinihikayat ang publiko, lalo na ang mga may-ari at namamahala ng mga establisyemento, na maging mas mapanuri sa bawat transaksyon. Ugaliing suriing mabuti ang bawat perang tinatanggap upang matiyak ang pagiging tunay nito at maiwasan ang anumang pagkalugi o abala.

Ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-iingat at pakikipagtulungan.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments