Nakibahagi ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa ginanap na 2026 Provincial Women’s Month Celebration sa Lalawigan ng Batangas bilang pakikiisa sa pagpupugay sa lakas, galing, at mahalagang papel ng kababaihan sa ating lipunan.
Nanumpa rin siya bilang presidente ng dalawang malalaking organisasyon sa lalawigan- ang Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCCBI) at ang Batangas Province Alay Lakad Foundation, Inc. (BPALFI).
Ang nasabing pagdiriwang ay nagbigay-pugay sa mga kababaihang patuloy na nagsisilbing inspirasyon at ilaw ng kanilang mga pamilya at komunidad, na may malaking ambag sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.
Patunay ang okasyong ito na ang pagkilala at pagpapahalaga sa kababaihan ay mahalaga sa pagbuo ng isang mas matatag at maunlad na lipunan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments