Marso 22, 2026 - Moving-Up ceremonies ng huling cluster ng mga batang nagsipagtapos sa Child Development Centers ginanap.
Ang mga Barangays Pansipit, Bangin, Pamiga, Panhulan, at Pook ay nagdaos ng kanilang simple ngunit makabuluhang seremonya ng pag-angat ng antas.
“Ang pagtuturo ay nag-uumpisa sa tahanan. Tayong mga magulang ang unang magtuturo sa ating mga bata ng tamang asal, ng tamang pakikipag-kapwa, paggalang sa matanda, pagpapahalaga sa buhay, pagbasa at pagsulat. Huwag po natin iasa lamang ito sa mga maestra”, yan ang mensahe ng ating punongbayan Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Dumalo din sina konsehal Atty. Tagay Sarah Mendoza, Jappoy Hilario, Jayjay Balba, mga Punong barangay na sina Paul Tolentino, Aniceto Macatangay, Louie Alcazar, Andy Bonsol at Rante Alilio na kinatawan ni Kagawad Bhaby Casalme.
Naroon din ang mga taga Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ng kanilang head na si Ms Josalyn Cortez.
0 Comments