ABISO PUBLIKO | Pansamantalang ipinagbabawal ang pagdaan san Sitio Bilog, Banyaga

 



ABISO PUBLIKO PARA SA MGA MAMAMAYAN NG AGONCILLO

Ipinapaabot sa lahat ng mamamayan na pansamantalang ipinagbabawal ang pagdaan sa Sitio Bilog, Banyaga dahil sa pagkasira ng isang bahagi ng kalsada sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga sasakyang may apat na gulong (4-wheels) upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng alternatibong ruta.

Ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments