CONDURA AT LGU AGONCILLO, MAGTUTULUNGAN PARA SA KABUHAYAN

 



KAAGAPAY TUNGO SA KAUNLARAN: CONDURA AT LGU AGONCILLO, MAGTUTULUNGAN PARA SA KABUHAYAN NG ATING MGA KABABAYAN

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng Bayan ng Agoncillo ang pormal na paglagda ng kasunduan sa pagitan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at ng President ng Concepcion Durables Inc. (CONDURA), na si Mr. Harold T. Pernikar.

Layunin ng pagtutulungang ito na magbigay ng mas malawak na oportunidad sa kabuhayan para sa ating mga negosyante at mamamayan mula sa mga programang susuporta sa negosyo hanggang sa mga inisyatibong makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Agoncillians.

Ipinagmamalaki rin na ang Bayan ng Agoncillo ang kauna-unahang LGU sa lalawigan na magsasagawa ng nasabing programa, na magsisilbing daan upang higit pang mapalakas ang lokal na ekonomiya at mapabuti ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa mga pribadong sektor upang makapaghatid ng mga serbisyong may tunay na pakinabang sa komunidad, at higit sa lahat, maitaguyod ang inklusibo at pangmatagalang kaunlaran para sa lahat. 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments