Marso 24, 2026 - First Quarterly Meeting ng Execom ng Protected Area Management Board (PAMB), ginanap sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office, Calamba City.
Maraming tinalakay sa pagpupulong kabilang na ang labing-isang approved projects na itinaas ng Project Development Council (PDC), at ang report sa ginawang pag-aaral sa mga gumuhong lupa noong STS Kristine.
Ayon sa pagsasaliksik at pag-aaral ng Sustainable, Accessible, Free for Everyone (SAFE) Droplet Consultancy Firm, ang ibinuhos na ulan noong STS Kristine ay karaniwang ibinubuhos sa loob ng limang araw, pero dalawang araw lamang ibinuhos. Dahilan sa paglambot ng lupa at pagguho nito.
Iminungkahi nila ang pagtatanim at iba pang remedyo sa mga lugar na naglandslide upang mapatibay muli ang lupa. Ito ay para lamang tulungan at mapadali ang proseso ng pagpapalago ng mga halaman, na kusa din namang tumutubo.
Si Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang hinirang na presiding officer para sa naturang pagpupulong. Umapela rin siya na kung maaari ay itrato na “crucial” ang pagdalo sa tamang oras bilang pagpapakita ng professionalism at respeto sa mga kasama, sapagkat mahalaga ang oras ng bawat isa.
0 Comments