ABISO PUBLIKO | LIBRENG PAGWAWASTO NG CLERICAL ERROR SA MGA CIVIL REGISTRY DOCUMENTS

 



ABISO PUBLIKO | LIBRENG PAGWAWASTO NG CLERICAL ERROR SA MGA CIVIL REGISTRY DOCUMENTS HATID NG LCRO AGONCILLO BILANG BAHAGI NG ATING 77th FOUNDING ANNIVERSARY

Ipinapaalam po sa ating mga kababayan na bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-77 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Agoncillo, nakatakdang magsagawa ang Tanggapan ng Municipal Civil Registrar sa pangunguna ni Ms. Karen Olvina ng Libreng Serbisyo sa ilalim ng R.A. 9048 at R.A. 10172 o ang pagwawasto ng mga clerical error sa civil registry documents.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mamamayan na maitama ang ilang pagkakamali sa kanilang mga dokumento tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, o kasarian nang hindi na dumaraan sa mas mahaba at magastos na proseso sa korte.

Ang nasabing libreng serbisyo ay planong isagawa mula Marso 25 hanggang 31, 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng mayroong kailangang ipaayos sa kanilang civil registry records na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Municipal Civil Registrar ng Bayan ng Agoncillo para sa karagdagang impormasyon at gabay sa mga kinakailangang dokumento.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments