Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, buong galang na inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa isang makabuluhang pagtatanghal ng sining na sumasalamin sa lakas, pag-asa, at kwento ng bawat babae, ang “Pintela: Mga Kuwento ng Pag-asa.”
Ang nasabing art exhibit ay handog ng BAGSIK (Batangueñong Grupo sa Sining at Kultura, Inc.) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ng ating Tourism Officer Ma'am Charlyn Dela Luna , para sa kapakinabangan ng Banyaga Elementary School.
Tampok sa eksibit na ito ang mga likhang sining na ipininta sa tela, mga obra na hindi lamang nagpapakita ng talento, kundi nagsisilbing boses ng inspirasyon, pagbangon, at katatagan ng kababaihan sa ating lipunan.
Inaanyayahan ang publiko na saksihan ang pagbubukas nito ngayong araw, ika-23 ng Marso, ganap na ika-1:30 ng hapon, sa V. Maligalig (Sangguniang Bayan) Lobby, Agoncillo, Batangas. Ang eksibit ay tatagal mula Marso 23 hanggang Marso 29, 2026.
Halina’t ating suportahan ang sining na may puso at layunin. Sama-sama nating ipagdiwang ang kakayahan, husay, at kwento ng kababaihan sa pamamagitan ng makulay at makabuluhang pagtatanghal na ito.
Tara!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments