BRGY. CORAL NA MUNTI, PINARANGALAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN

 



Buong galak at pagmamalaki ang ipinapaabot sa Barangay Coral na Munti sa pagkakamit ng Highly Functional Rating sa implementasyon ng Violence Against Women and Children (VAWC) Program. 

Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang masigasig at tuloy-tuloy na pagsusumikap na mapanatili ang kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at kabataan sa kanilang nasasakupan.

Sa pangunguna ni Kapitan Vicente Manalo, kasama ang mga masisipag na miyembro ng Pamahalaang Barangay, matagumpay nilang naipakita ang maayos, epektibo, at makataong pagpapatupad ng mga programa laban sa karahasan.

Ang parangal na ito ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod at sa hangaring makabuo ng isang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.

Mabuhay ang Barangay Coral na Munti! 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments