Pebrero 19, 2026 - Nag-kortesiya sa tanggapan ng ating Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang iba’t-ibang kinatawan para sa gagawing Buko Processing Facility dito sa ating bayan.





Pebrero 19, 2026 - Nag-kortesiya sa tanggapan ng ating Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang iba’t-ibang kinatawan para sa gagawing Buko Processing Facility dito sa ating bayan.

Layunin ng facility na ito na matulungan ang ating coconut farmers para sa paggawa ng buko pie at buko juice na maaaring ibenta sa merkado at maging isang pangunahing produkto ng Agoncillo.

Kasama sina Municipal Agriculturist Olive Mirasol, Dhan Martinez, Engr. Lorie Digna Ondo, mga taga PhilMech sa pangunguna ni Engr. Kathleen Pahinma, mga taga Philippine Coconut Authority kasama si G. Darwin Linatoc na nagbigay ng feedback sa kanilang ocular inspection sa proposed site sa Barangay Pansipit.

Nagbigay ng ilang mga mungkahi ang ating LGU Agoncillo para sa pag-adjust ng disenyo at mga pangsangkap dahil sa mga kundisyon sa ating bayan. Binigyang diin ni Mayor Cindy na ang gusto natin ay matibay, pangmatagalan at tunay na mapapakinabangan ng ating mga kababayan.

Inaasahan na matatapos ang proyekto bago matapos ang taon.


Post a Comment

0 Comments