2nd Season Inter-Barangay League




Pormal na sinimulan ang 2nd Season Inter-Barangay League ng San Jacinto Basketball Association ngayong araw, 21 ng Pebrero 2026.

“Ito ay friendly game, na isa sa mga layunin ay maging masaya tayong lahat. Kaya sana kung anumang konting gusot ay magpasensyahan. Igalang ang mga referees at game officials.” Iyan ang mensahe ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.

Nakiisa din bilang panauhin ang ating Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, dating Mayor Atty. Daniel Reyes at Konsehal Nady Enriquez.

Ang naturang palaro ay naisakatuparan sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga taga Barangay San Jacinto, sa pangunguna ng Organizing Committee Chair Engr. Pee Jhay Matira, Barangay Chair Melanie Villavicencio at SK Chair Adrian Mendoza.

Ang mga koponan ay mula sa iba’t-ibang barangay ng Agoncillo at mga karatig bayan.


Post a Comment

0 Comments