Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kababayan na makiisa at makisaya sa darating na FUN KITE FLYING na gaganapin sa Marso 27, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga sa Proposed Sports Center, Barangay Pansipit.
Damhin ang saya at pananabik habang pinapakulayan natin ang himpapawid ng ating bayan sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing saranggola!
Bukas ang paligsahan para sa Local Category at Open Category, kung saan naghihintay ang mga papremyong salapi para sa mga magwawagi. Mayroon ding mga Special Awards tulad ng Biggest Kite, Most Colorful Kite, Crowd Favorite, Oldest at Youngest Participant, at Mayor’s Choice.
Ito ay hindi lamang isang paligsahan kundi isang makabuluhang pagtitipon na magbubuklod sa ating komunidad. Napatunayan na natin ito noong isang taon kung saan nilikha natin ang isang umagang puno ng kulay, sigla, at sama-samang pagdiriwang.
Kaya ano pang hinihintay? Ihanda na ang inyong mga saranggola at sama-sama nating pagandahin ang kalangitan ng Barangay Pansipit at Bayan ng Agoncillo❤️
Para sa rehistrasyon at karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Office of the Mayor at hanapin si Ms. Charlyn Dela Luna.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments