PAGDIRIWANG NG IKA-77 ANIBERSARYO NG ATING BAYAN | TAMPOK ANG MULING PAGBABALIK NG MUTYA NG AGONCILLO 🇵🇭✨



Muling magbabalik ang isa sa pinakainaabangan at pinakaprestihiyosong patimpalak sa ating bayan,ang Mutya ng Agoncillo 2026, isang patunay ng kagandahan, talino, at dangal ng mga Dalagang Agoncillian. 

Ang patimpalak na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng pisikal na kagandahan, kundi isang entablado upang ipamalas ang kultura, pagpapahalaga, at makabagong pananaw ng kababaihang Agoncillian na nagsisilbing inspirasyon sa ating pamayanan.

Ang Mutya ng Agoncillo 2026 ay bahagi ng mga opisyal na gawain sa pagdiriwang ng ika-77 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Agoncillo sa pangunguna ng tanggapan ng ating Municipal Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna kung saan binibigyang-pugay ang ating kasaysayan, pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad. 

Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, higit nating pinagtitibay ang papel ng kababaihan bilang huwaran ng lakas, katalinuhan, at aktibong pakikilahok sa pagtataguyod ng identidad at dangal ng ating bayan.

Abangan sa darating na Lunes ang pormal na pagpapakilala sa mga opisyal na kandidatang maglalaban-laban para sa hinahangad na titulo ng Mutya ng Agoncillo 2026. 

Mabuhay ang Gandang Agoncillian!

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments