Isang makulay at makasaysayang araw ang ating nasaksihan sa pormal na pagpapakilala ng labimpitong (17) naggagandahan at mahuhusay na kandidata para sa Mutya ng Agoncillo 2026, ang pinakahihintay na patimpalak na tampok sa pagdiriwang ng ika-77 taong anibersaryo ng ating mahal na bayan ng Agoncillo.
Sa taong ito, muling binibigyang-liwanag ang kagandahan, talino, at husay ng mga kabataang Agoncillian na handang magsilbing inspirasyon at ehemplo ng kababaihan sa ating komunidad. Ang bawat kandidata ay kumakatawan hindi lamang sa kani-kanilang barangay, kundi sa mga adhikain, pangarap, at pagpapahalagang patuloy na nagpapayabong sa ating bayan.
Ang makabuluhang gawaing ito ay pinangunahan ng ating masipag at dedikadong Tourism Officer, Ma’am Charlyn Dela Luna, sa ilalim ng inisyatibo at buong suporta ng ating minamahal na Punong Bayan, Cinderella Valenton-Reyes. Sa kanilang pamumuno, patuloy nating naitataguyod ang mga programang nagbibigay-halaga sa kultura, turismo, at pagkakaisa ng bawat Agoncillian.
Ang Mutya ng Agoncillo ay higit pa sa isang patimpalak ng kagandahan, ito ay isang entablado ng talino, kumpiyansa, at malasakit sa kapwa. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating kabataan upang patuloy na paunlarin ang kanilang mga kakayahan at makiisa sa pagsusulong ng mas maunlad at masiglang Agoncillo.
Inaanyayahan ang lahat na suportahan at tunghayan ang paglalakbay ng ating 17 kandidata patungo sa korona. Sama-sama nating ipagdiwang ang husay, ganda, at dangal ng makabagong Agoncillian!
Mabuhay ang Mutya ng Agoncillo 2026!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments