Annual Awards ng Girl Scouts of the Philippines Batangas Council





Pinangunahan ng ating Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, bilang Council President, ang Annual Awards ng Girl Scouts of the Philippines Batangas Council kahapon, ika-20 ng Pebrero 2026.
“100% ang suporta ko para sa Girl Scouts Batangas Council” isa ito sa binitiwang salita ni Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang talumpati.
Dumalo rin ang ibang mga mayors na mga opisyal din ng GSP Batangas Council katulad nina Mayor Roana Conti, Mayor Jo-ann Ponggos. Naroon din ang Mayor Norberto Segunial Jr. at iba pang mga opisyal.
Tumanggap ng award si Mayor Cindy at ilan sa ating mga guro at principal para sa kanilang natatanging serbisyo sa GSP. 
Ang scouting movement ay isang boluntaryong organisasyon para sa paghubog ng leadership skills, outdoor skills at iba pang praktikal na pagsasanay sa ating mga kabataan.

Post a Comment

0 Comments