Ang paglilingkod ay walang pinipiling araw o oras basta para sa usaping pang-serbisyo publiko.
Isang mahalagang pagpupulong ang naganap ngayong araw, Linggo, sa Holiday Inn, Lima, para mas maigting na ugnayan ng national, provincial at local na pamahalaan para sa mas maayos na mga programa.
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto at Governor Vilma Santos-Recto ang nasabing meeting. Dumalo ang maraming city at municipal mayors bilang patunay ng pakikiisa at pagsuporta. Kabilang sa mga ito ang ating butihing mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Mahalaga rin ang ganitong activity sa pagpapalitan ng best practices ng mga punong bayan at personal na pakikipag-usap sa ilang heads ng provincial government.
0 Comments