PAGGUNITA SA IKA-70 TAON NG KAMATAYAN NI KGG. JACINTO MENDOZA





Unang Punong Bayan ng Magandang Agoncillo, Batangas 🇵🇭✨

Buong paggalang at pasasalamat na ginunita ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang ika-70 anibersaryo ng kamatayan ni Kgg. Jacinto Mendoza, ang kauna-unahang Punong Bayan na naglatag ng matibay na pundasyon ng pamamahala at paglilingkod sa ating minamahal na bayan.

Pinangunahan ang makabuluhang paggunita ni Kgg. Cinderella Valenton-Reyes, Punong Bayan ng Agoncillo, katuwang si Pangalawang Punong Bayan Atty. Remjelljan Humarang, kasama ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Sa ating Flag Ceremony kaninang umaga ay isinagawa rin ang Wreath Laying bilang tanda ng pag-alala at paggalang sa dakilang pamana ni Kgg. Jacinto Mendoza. Nakiisa rin ang kanyang mga kapamilya sa makasaysayang seremonyang ito, na nagsilbing paalala ng kanyang walang kapantay na serbisyo at sakripisyo para sa bayan.

Sa paggunita sa kanyang buhay at adhikain, patuloy nating pinagtitibay ang ating panata na ipagpatuloy ang kanyang sinimulan, isang Agoncillo na may dangal, malasakit, at tunay na paglilingkod sa mamamayan.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments