Taal Volcano eruption 6th anniversary


Ngayong araw, buong paggalang at paggunita nating inaalala ang isa sa mga hindi makakalimutang yugto sa kasaysayan ng ating bayan, ang pagputok ng Bulkang Taal na lubhang sumubok sa tibay, tapang, at pagkakaisa ng mga taga-Agoncillo.

Matapos ang anim na taon, makikita natin ang bunga ng ating sama-samang pagtitiyaga at pagbangon. Mula sa abo at pangamba, umusbong ang isang bayan na mas matatag, mas maunlad, at higit na nagkakaisa. Ang bawat Agoncillian ay patunay na sa kabila ng pagsubok, kayang bumangon, maghilom, at muling mangarap.

Sa patuloy na pamumuno at sama-samang pagkilos, itinataguyod natin ang isang Agoncillo na handang humarap sa anumang hamon, mas matatag, may malasakit, may tapang, at may matibay na giya tungo sa pag-unlad.

Agoncillo, tuloy ang laban.

Tuloy ang Magandang Serbisyo Publiko, basta sama-sama lagi tayo.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments