Masayang ibinabalita ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang nalalapit na Kasalang Bayan 2026, isang natatanging araw ng pag-iisang dibdib na bunga ng taos-pusong pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng Tanggapan ng Municipal Civil Registrar na pinamumunuan ni Ms. Karen O. Olvina, katuwang ang Parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa pamumuno ni Rev. Fr. Jay Encarnacion.
Ito ay gaganapin sa:
Miyerkules, Marso 25, 2026
9:00 ng Umaga (Pansamantalang oras)
G. Brotonel Events Center, Poblacion, Agoncillo, Batangas
Ang gawaing ito ay bahagi ng ating makabuluhang pagdiriwang ng ika-77 taong pagkakatatag ng Bayan ng Agoncillo, isang patunay na patuloy nating pinahahalagahan ang pamilya bilang pundasyon ng isang matatag at nagkakaisang komunidad.
Sa temang “Wagas, Tapat at Totoo,” sama-sama nating ipagdiwang ang pag-ibig, pananampalataya, at serbisyo, kung saan nagkakaisa ang Simbahan at Pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Agoncillian.
Sa mga mayroong katanungan, magtungo lamang sa tanggapan ng ating Municipal Civil Registrar, Ground Floor, J. Mendoza Executive Building.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments