Bilang patuloy na pagpapatibay sa kahandaan at pagtiyak sa kaligtasan ng bawat Agoncillian, matagumpay na nagsagawa ng Benchmarking Activity ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa Batangas City Command Center, kung saan isinagawa rin ang presentasyon ng kanilang Contingency Plan kaugnay ng posibleng pagputok ng Bulkang Taal.
Ang naturang benchmarking ay mahalagang hakbang upang mas mapalawak ang kaalaman at mas mapahusay ang sistema ng pagtugon sa sakuna. Ipinapaalam din natin sa ating mga kababayan na ang Batangas City ang itinatalaga bilang bagong assigned evacuation area ng Bayan ng Agoncillo sakaling magkaroon ng paglikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Pinangunahan ang aktibidad na ito ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang MDRRMO Head, Sir Junfrance De Villa, MEO-OIC, Engr. Lorie Digna Garcia, at CDRT Member, Kuya Aphol Sangalang.
Sa nasabing pagbisita, naging pagkakataon ito upang pag-aralan at matutunan ang mga epektibong mekanismo ng Batangas City Command Center sa monitoring, communication system, incident management, at mabilis na pagresponde sa mga emergency situation. Ang mga natutunang pamamaraan at best practices ay magsisilbing gabay upang higit pang mapalakas ang ating sariling disaster preparedness at response strategies sa ating bayan.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng mamamayan, sapagkat naniniwala tayo na ang bawat hakbang ng paghahanda ngayon ay katumbas ng mas ligtas at mas matatag na kinabukasan para sa lahat.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments