KABALIKAT SA PAG-UNLAD: PAGSUPORTA NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA BAGONG BUKAS NA GASOLINE STATION SA BARANGAY BANGIN 🇵🇭✨





Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas masiglang pag-unlad ng ating bayan ang pagbubukas ng JLA Gasoline Station na matatagpuan sa Barangay Bangin, Agoncillo. 
Ang bagong establisimyentong ito ay pagmamay-ari ni Former Sangguniang Bayan Member, John Angulo, na patuloy na nagbibigay ng ambag sa paglago ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng bagong serbisyo at oportunidad para sa ating mga kababayan.
Dumalo sa isinagawang ribbon cutting at blessing ceremony ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang dating Punong Bayan, Former Mayor Atty. Daniel Reyes. Ang kanilang presensya ay patunay ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga proyektong nagdudulot ng serbisyo at kabuhayan sa ating komunidad.
Ang pagbubukas ng gasoline station na ito ay hindi lamang dagdag na establisyemento  para sa mas mabilis at maginhawang suplay ng gasolina, kundi isa ring simbolo ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa mas maunlad at progresibong Agoncillo.
Sa pagkakataong ito, hinihikayat natin ang lahat ng ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin, isang gasolinang mas mura at tunay na para sa masa. Sa pagsuporta sa mga lokal na negosyo, mas napapalakas natin ang ekonomiya ng ating bayan at mas napapalawak ang oportunidad para sa bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments