MATATAG NA KALUSUGAN NG AGONCILLIAN: MAYOR REYES, KONSEHAL CARINGAL AT DR. LANDICHO DUMALO SA UNIVERSAL HEALTHCARE SUMMIT 2025🇵🇭✨





Lumahok sina Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Konsehal Kidlat Caringal at Dr. Richard Landicho sa Universal Health Care Summit 2025 sa Bauan, Batangas bilang pakikiisa sa patuloy na pagpapatibay ng mga programang pangkalusugan para sa mga Agoncillians.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagtitipon upang itaguyod ang mas matatag na ugnayan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, mga ospital, pambansang ahensya, at iba’t ibang health partners at stakeholders.
Muling tiniyak ni Governor Vilma Santos-Recto ang buong suporta at kahandaan ng lalawigan sa ganap na implementasyon ng UHC Law upang maihatid ang de-kalidad, abot-kaya, at accessible na serbisyong pangkalusugan nang walang dapat ipangamba sa gastusin. 
Patunay ito ng sama-samang layunin ng pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan ng Agoncillo na isulong ang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad para sa lahat ng Agoncillian.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments