Nag-umpisa ang paglalakad ng mga LGUs na alay sa mga kabataan at mga Out of School Youth, sa Camp General Miguel Malvar papunta sa Dream zone.
Pinangunahan ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang delegasyon ng Bayan ng Agoncillo, kasama ang mga masisipag na kawani ng ating Lokal na Pamahalaan na buong sigasig na nakiisa sa taunang pagdiriwang. Si Mayor Cindy rin ang Vice President ng BALFI.
Bilang kinatawan ng ating bayan, si Ms. Camei Pilac ang nagsilbing muse ng koponan at nagbigay ng dangal at kariktan sa ating pangkat sa naturang pagtitipon.
Hindi rin pahuhuli ang kahanga-hangang pagtatanghal ng Himig Agoncillo, na nagpasiklab sa entablado at naghatid ng aliw sa lahat ng mga dumalo at kalahok sa Alay Lakad 2025.
Aktibo ring nakilahok ang mga taga DepEd SMART Agoncillo Sub-Office sa Alay Lakad 2025.
Patuloy ang pangako ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na suportahan ang mga adbokasiya at proyektong nagtataguyod ng kapakanan ng kabataan at ng mamamayang Agoncilleño. Makiisa tayo sa pagpapatibay ng mga gawaing naglalayong maghatid ng higit pang oportunidad, kaalaman, at pag-asa para sa susunod na henerasyon.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#GoldenWalk
#alaylakad2025
0 Comments