Kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ng Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc., opisyal na sinimulan ngayong Nobyembre 26, 2025 ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC) na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.
Sa temang “United for a VAW-Free Philippines,” muling ipinahayag ng Lalawigan ng Batangas ang matibay na pangakong isulong ang isang ligtas, pantay, at mapagkalingang komunidad para sa lahat. Tampok sa programa ang pagbabahagi ng mga best practices mula sa mga nangungunang City/Municipal LCAT-VAWC, pati na ang makabuluhang kuwento ng lakas at katatagan ng mga biktima ng gender-based violence.
Iginawad din ang mga parangal para sa Most Functional City/Municipal Local Council for the Protection of Children, Most Functional LCAT-VAWC, at Most Functional Barangay VAW Desk at Outstanding VAW Desk Officer bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at serbisyong may puso.
Nakiisa rin ang Bayan ng Agoncillo, kung saan ang Barangay San Teodoro sa pangunguna ni Kgg. Nestor Macatangay ay kabilang sa nagpakita ng kahusayan sa kategoryang Outstanding VAW Officer.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments