2025 Seal of Child Friendly Local Governance Passer!
Isang malaking karangalan at tagumpay para sa Bayan ng Agoncillo. Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ng ating MSWDO na pinamumunuan ni Ma'am Josalyn Cortez ay opisyal na nakatanggap ng 2025 Seal of Child Friendly Local Governance (SCFLG).
Ito ay isang patunay ng ating walang sawang dedikasyon at pagsusumikap upang mapabuti ang kalagayan at kapakanan ng ating mga kabataan. Ang pagkilalang ito ay bunga ng ating pagkakaisa, pamumuno, at malasakit na patuloy nating ibinubuhos para sa kinabukasan ng bawat batang Agoncillian.
Ang nasabing seal ay isang indikasyon ng tagumpay ng mga hakbangin at proyekto ng ating lokal na pamahalaan na nakatuon sa mga programang pang-edukasyon, kalusugan, at pangangalaga sa mga karapatan ng mga bata. Maraming salamat sa bawat miyembro ng LGU Agoncillo, sa tulong ng ating mga kasamahan sa lokal na pamahalaan, at sa mga mahalagang lider at sektor na patuloy na nagiging katuwang sa ating layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga kabataan.
Sa ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Dr. Noel Mendoza, at ang buong LGU Agoncillo Family, ang inyong walang sawang pagsuporta at liderato ay hindi matatawaran.
Mabuhay ang Agoncillo! Patuloy nating gawing child-friendly ang bawat sulok ng ating komunidad at patunayang ang Agoncillo ay Bayang Mananalo! ❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments